DAGUPAN CITY- Patuloy na nakaantabay ang tanggapan ng Municipal Disaster Risk Reduction Management o MDRRMO sa bayan ng Sta. Barbara kaugnay sa level ng tubig sa Sinucalan river dahil sa nararanasang pag-ulan.
Ayon kay Raymondo Santos, Operation Unit head ng tanggapan, na base sa kanilang monitoring kahit papaano ay bumababa na ang lebel nito kung ikukumpara kahapon na umabot na sa 7.00 meter above sea level o nasa critical level. Dahil ito ay nakaranas ang apat na barangay sa naturang bayan ng pagbaha.
Ang Brgy Sonquil partikular na sa Sitio Riverside, ilang bahagi sa Sitio Salunge at Baybay, sa erfe, partikular na sa sitio zone 1 habang sa Brgy. Banzal naman ay ang dadaanan papunta sa Erfe at ang pang-apat ay Brgy. Dalunge sa sitio zone 3 ang nakakaranas ng pagbaha.
Aniya na tuloy tuloy at kanilang tiniyak ang monitoring sa mga nabanggit na barangay para sa lagay ng lugar at mga residente.
Walang tigil din ang pakikipag-ugnayan nila sa mga Barangay Officials na nagsisilbing first liner para sa anumang report at pangangailangan ng kanilang nasasakupan lalong lalo na kung magtutuloy tuloy ang malakas na pagbuhos ng ulan na magiging sanhi ulit ng pagtaas ng tubig mula sa sinucalan river.
Samantala, ayon naman sa naging panayam kay Brgy. Captain Jonathan Cardenas ng Brgy. Sonquil na umaabot na sa lampas tao ang baha sa Sitio riverside habang sa Sitio Salumague ay abot bewang na kung kaya’t tanging balsa at bangka ang ginagamit ng mga residente para makatawid kapag may mga pupuntahan sila o di kaya ay mamalengke.
Inaabisuhan naman ang mga ito na lumikas ngunit mas pinipili nila ang pananatili sa kanilang mga kabahayan dahil hindi nila kayang iwanan ang kanilang mga alagang hayop.
Nagsasagawa naman sila ng pagpapatrolya sa mga lugar na binabaha.