Dagupan City – Patuloy ang isinagawang pagronda at monitoring ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa iba’t ibang barangay sa San Jacinto, Pangasinan na nakaranas ng pagbaha dulot ng Super Bagyong Nando.
Layon ng operasyon na matukoy ang mga lugar na may pagtaas ng tubig at agad maipasa ang ulat sa mga kinauukulang tanggapan.
Sa isinagawang pag-iikot, naitala ang pag-apaw ng tubig sa ilang kalsada at palayan, partikular sa mga barangay na matatagpuan sa mabababang bahagi ng bayan.
Dahil dito, mas pinaiting pa ng MDRRMO ang kanilang presensya sa mga apektadong lugar upang agad na makaresponde sa anumang posibleng insidente.
Bahagi rin ng operasyon ang pakikipag-ugnayan sa mga barangay opisyal upang makuha ang real-time na datos mula sa komunidad. Pinagtuunan ng pansin ang mga lugar na paulit-ulit na binabaha upang matiyak na nababantayan ang anumang pagbabago sa lagay ng tubig.
Habang nananatili ang banta ng masamang panahon, patuloy ang 24-oras na monitoring ng MDRRMO upang masigurong may sapat na impormasyon ang lokal na pamahalaan sa pagtugon sa sitwasyon.
Inaasahan ang pagpapatuloy ng mga pag-ikot hangga’t hindi bumubuti ang lagay ng panahon sa buong baya