Dagupan City – ‎Aktibong lumahok ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office o MDRRMO ng San Jacinto, Pangasinan sa ika-apat na kwarter ng Nationwide Simultaneous Earthquake Drill na isinagawa ngayong Nobyembre 6, 2025 sa San Jacinto Catholic School.

‎Pinangunahan ni MDRRM Officer Lilibeth P. Sison ang pagsasanay kasama ang Bureau of Fire Protection, Philippine National Police, Rural Health Unit at iba pang lokal na ahensya.
‎Sa aktibidad, sinubukan ng mga kalahok ang tamang paraan ng “Duck, Cover, and Hold” at ang mabilis na paglikas patungo sa mga itinakdang evacuation area.

‎Layunin ng drill na mapalakas ang kakayahan ng mga residente, estudyante at kawani ng pamahalaan sa pagtugon sa mga posibleng epekto ng lindol.
‎Bahagi ito ng pambansang programa ng Office of Civil Defense at National Disaster Risk Reduction and Management Council upang palawakin ang kultura ng kahandaan sa bansa.

‎Muling paalala ng MDRRMO San Jacinto ang pagiging alerto at handa ay sandata ng bawat mamamayan laban sa anumang