DAGUPAN CITY- Patuloy ang pagmonitor ng Calasiao Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa maaaring epekto ng bagyong ‘Pepito’ sa kanilang lugar habang ito ay papalapit.

Ayon kay Zaldy Malit, Local Disaster Risk Reduction and Management Officer IV, MDRRMO Calasiao, nakaranas sila ng bugso ng hindi kalakasan na ulan at hangin na may kalakasan.

Lahat naman ng personel ay nakaantabay sa anumang dulot ng bagyo na kung saan ay nakikipag coordinate sila sa mga sa Brgy. Officials.

--Ads--

Nakapaglibot na rin sila ng umaga palang kahapon sa lahat ng Brgy. na kanilang nasasakupan para sa kamustahin ang kalagayan at para bigyan sila ng paalala na maging alerto.

Pinaalalahanan ang lahat na ihanda rin ang mga flashlight, mag-imbak ng pagkain at ganun na rin ang tubig.

Dahil sa lakas ng hangin ay maaaring maapektuhan ang koneksyon sa kuryente at tubig.

Samantala hindi rin nila hinahayaan ang pakikipag koordina sa mga damage report na maaaring maitala sa kanilang lugar.

Maya’t maya ang pag-iikot ng ilang mga personel upang masuri ang lugar at masiguradong walang mga dahilan ng aksidente na nasa kakalsadahan.

Ganun na rin ang kanilang monitoring sa pagbabago ng tropical wind signal dahil aniya na may time range o time frame ito, kaya naman kanila itong tinututukan.

Katuwang na rin nila ang ahensya naman ng kapulisan, Bureau of Fire Protection, at Department of Interior and Local Government sa kanilang bayan.