Dagupan City – Nagsagawa ng dalawang araw na High Angle Rescue and Basic Knot Tying Technique Training ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng Manaoag sa Camp Tito Abat, Brgy. Calaocan.

Pinangunahan ito ni MDRRMO Head Carlito Hernando, at dinaluhan ng Pangasinan Association of Local Disaster Risk Reduction Management Office (PALDRRMO) at 1st Regional Community Defense Group (1 RCDG).

Lumahok dito ang ilang mga kinatawan ng MDRRMO mula sa iba’t ibang bayan sa lalawigan gaya ng Agno, Anda, Asingan, Bani, Basista, Mapandan, San Fabian, at Sual

--Ads--

Ayon kay Hernando, mahalaga ang pagsasanay na ito upang matiyak ang kaligtasan ng mga kapwa rescuers at ng mga indibidwal na nangangailangan ng tulong.

Bukod sa mga teorya, nagkaroon din ng mga demonstrasyon sa paggamit ng lubid, paggawa ng matibay na buhol, at iba’t ibang rescue techniques tulad ng zipline at rappelling.

Nilalayon nitong maipakita ang ligtas at epektibong paraan ng pagsagip sa mga taong nasa panganib, lalo na sa mga lugar na mataas at mahirap abutan.

Layunin ng pagsasanay na mapaghandaan ang mga sakuna at kalamidad sa pamamagitan ng pagpapalakas ng kakayahan ng mga tagapagligtas o rescuers.