Dagupan City – Pinagtitibay ngayon ng lokal na pamahalaan ng Manaoag ang kahandaan at pagpapalakas ng kanilang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa pamamagitan ng pagkuha ng mga bagong rescue equipment.

Isinagawa kahapon ang demonstrasyon ng mga extrication and stabilization rescue equipment mula sa Palmer-Asia Inc., ang eksklusibong supplier nito sa Pilipinas.

Ayon kay Rayan Idos, Sales Supervisor ng nasabing kompanya na malaking tulong ang mga kagamitan sa mabilis at epektibong pagsagip sa mga biktima ng vehicular accidents at iba pang sakuna.

--Ads--

Ipinakita nila ang iba’t ibang equipment tulad ng dedicated spreader, dedicated cutter, 2-in-1 spreader and cutter, lifting bag, at iba pang hydraulic rescue tools (RAMs) kung saan ang mga kagamitan na ito ay galing pa sa Netherlands.

Bukod sa rescue equipment, nag-aalok din ang sila ng mga fire truck, ambulansya, rescue vehicle, mobile kitchen, mobile clinic, mobile command center, at iba pang special vehicles para sa mga rescue operations.

Saad nito na, marami na rin aniya ang mga lokal na pamahalaan sa Pangasinan, lalo na ang mga malalaking lungsod, ang kumuha ng kanilang mga equipments.

Para naman kay Manaoag Mayor Jeremy “Doc Ming” Rosario, ang demonstrasyon ay para maunawaan ng mga kawani ng MDRRMO, PNP, at BFP kung paano ang pamamaraan sa paggamit ng mga rescue equipments na ipinakita dito upang mapabuti ang kanilang disaster response at pagtugon din sa mga vehicular incident.

Bagamat hindi naman prone sa aksidente sa kalsada ang Manaoag, naghahanda lamang sila para sa inaasahang pagdagsa ng mga turista sa posibleng pagbubukas ng Pangasinan Link Expressway pagkatapos ng tatlong taon.