Dagupan City – Nagpaabot ng agarang tulong ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) kasama ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) sa pamilyang nasunugan sa Barangay San Vicente, San Jacinto
Personal na dinala ng mga kawani ng dalawang ahensya ang mga relief goods na kinabibilangan ng pagkain, damit, at hygiene kits para maibsan ang hirap na dinaranas ng mga naapektuhan.
Matapos ang insidente, agad na nagsagawa ng koordinasyon ang lokal na pamahalaan upang masiguro ang kaligtasan ng mga residente at matukoy ang pangangailangang dapat tugunan.
Patuloy namang nakabantay ang mga tauhan ng MDRRMO at MSWDO sa kalagayan ng pamilyang naapektuhan habang pinag-aaralan ang mga susunod na hakbang para sa kanilang muling pagbangon.










