DAGUPAN CITY–Naka-alerto at mahigpit ngayong binabantayan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) Calasiao ang lebel ng tubig sa Sinucalan River.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan, inihayag ni MDRRMO Chief Freddie Villacorta, na patuloy ang pagtaas ng tubig sa alarmig level dahil sa Habagat.

Kasunod nito ay ipinasasakamay na ng lokal na pamahalaan sa mga magulang at administrador ang hindi pagpapapasok o pagsuspinde ng klase lalo na aniya sa mga paaralan na nasa mga low lying areas sa kanilang bayan.

--Ads--

Samantala, pinayuhan naman ni Villacorta ang mga barangay officials at mga residente lalo na ang mga malapit sa ilog na maging alerto lalo at sa ulat ng PAGASA, makakaranas ng matinding ulan sa Cordillera.

Paliwanag nito, ang tubig na maiipon sa highlands ang siya namang sasaluhin ng naturang ilog kaya’t mataas ang posibilidad na umakyat pa ito.