Karamihan sa kapulisan ng lalawigan ng Pangasinan ang naghayag ng suporta sa pagbabakuna kontra COVID-19.
Batay sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay PCapt. Aturo Melchor Jr., tagapagsalita ng Pangasinan PPO, ito ay ayon sa isinagawa nilang survey sa hanay ng kapulisan noong buwan ng Enero, taong kasalukuyan.
Aniya, bukod sa dependeng dami ng bakunang maipapamahagi sa pulisya ng probinsiya ay depende rin sa mga pulis kung saan sila nakahanay sa kanilang prority list 1-4.
--Ads--
Inaasahan naman ng kapulisan na silang lahat ay maturukan ng nabanggit na bakuna sapagkat alam naman umano nila ang kahalagahan nang pagkakaroon ng karagdagang proteksyon bilang frontliners, gayon na rin para sa kaligtasan ng kani-kanilang mga pamilya.