Dagupan City – Prinoklamang muli bilang pagka-alklade si Mayor Belen T. Fernandez at Bise Alklade Bryan Kua sa lungsod ng Dagupan sa kakatapos lamang na local at national election kagabi.

Kung saan nakakuha ang alkalde ng 81, 977 votes o mahigit 50% ng kabuuang bilang ng mga bomoto para sa Midterm Poll Elections habang ang kalaban nito na si Celia Lim ay nakakuha lamang ng 42,200 votes para sa Midterm Poll Elections.

Nakuha rin muli ni Vice Mayor Bryan Kua ay 65,765 at ang kalaban nito na si Bryan Lim na dati ring nagging alcalde ng lungsod ay nakakuha lamang ng 57,965 na boto dito sa lungsod ng Dagupan.

--Ads--

Kaninang bandang 12:58 am naman ng pormal na iproklama ang nananlo kasama rin ang mga nagwaging konsehal sa syudad na si Micheal Fernandez, Jigs Seen, Dada Reyna, at mga nagbabalik sa pagka konsehal sina Engr Karlos Reyna, Atty Joey Tamayo, Chito Samson, Marvin Fabia kasama ang bagong Councilors ng Lungsod si Doc Jaja, Danee Canto at, Tala Paras.

Kaugnay nito ay nagbahagi naman ng pasasalamat sina Dagupan City Mayor Belen Fernandez at vice Mayor Bryan Kua sa kanilang muling pagkapanalo at patuloy anila na gagawin ang kanilang mga adhikain at ipinanagako sa mga residente ng syudad para sa mas maayos na serbisyo

Nasa 163 polling precincts at makapag-imprenta ng election returns (ERs) mula sa 31 na Barangay sa lungsod ng Dagupan.

Nakapagtala ang COMELEC Dagupan ng nasa 87.51% voter turnout o 126,442 registered voter na bumoto.