“Matuto sa kasaysayan nang makamit ang isang magandang kinabukasan”

Ito ang idiniin ng isang historian na si Michael Charleston “Xiao” Chua kasunod ng nalalapit na paggunita ng bansa ng EDSA People Power Revolution.

Aniya na kung tutuusin ang naturang kaganapan ay naging kapuri-puri sa mundo lalo na’t ipinakita nito na maaaring magkaroon ng mapayapang komunikasyon sa pagitan ng dalawang magkatunggaling grupo.

--Ads--

Pagsasaad pa nito na nakita sa People Power Revolution na bagaman naging madugo ang labing apat na taong pamumuno ng noo’y Pangulong Ferdinand Marcos ay naging maayos at walang karahasan naman ang naging tagpo dito.

Ito rin aniya ay sumisimbolo na may kapangyarihan ang pagkakaisa upang masolusyonan ang anumang kinakaharap ng isang bansa.

Pagdidiin nito na kung magkakaroon ng sapat na inisyatibo ang lahat ng taong alamin ang tunay na mga kaganapan sa ating nakaraan ay malaki ang maiaamabag nito sa kung papaano natin kakaharapin ang kasalukuyan.

Ipinapakita lamang aniya ng naging EDSA People Power na ang pagkakaisa sa mga Pilipino ay kinakailangan dahil tayo ay magkakadugo.

Pagsasaad pa nito na hindi rin dapat aniya na manaig ang karahasan sa kung mayroong nais na maipaglaban ang mga mamamayan na taliwas sa pamumuno ng gobyerno.

TINIG NI MICHAEL CHUA

Samantala inilahad din nito na ang pagbabantay sa demokrasyang tinatamasa ay laging kinakailangan lalo na’t pagkatapos aniya ng naitalang rebolusyon ay maraming pa ring mga iba’t ibang klaseng pang-aabuso ang naitala at hindi tuluyang nakamtam ang ninanais na dahilan ng naturang pag-aalsa.

Punto pa nito na sa panahon ngayon hindi lamang ang matuto sa kasaysayan ang dapat na magawa bagkos ay ang mga umuupong lider sa bansa ay magsilbing mga ehemplo sa kanilang mga nasasakupan nang sa gayon ay mas umunlad pa ang bansang Pilipinas.