BOMBO DAGUPAN- Nasa ikatlong araw na ng matinding sagupaan sa Kursk region ng Russia.

Ayon defense ministry ng Moscow, patuloy ang pagpapaalis ng mga Ruso sa mga Ukranian forces sa kanilang basna.

Umabot na umano sa hindi bababa sa 1,000 tropa ng Ukraine na suportado ng mga tanke ar armoured vehicles ang pumasok sa border.

--Ads--

Sinani naman ni deputy Governor Andri Belostotsky ng Kursk, kinakailangan lumikas ng humigit-kumulang 3,000 katao sa rehiyon dahil may hindi bababa sa 4 na katao ang nasawi mula sa sagupaan.