Hindi na bago ang pagbaha sa bansang Australia lalo na at ito ay isang malaking bansa.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Denmark Suede – Bombo International News Correspondent sa nasabing bansa technically ay summer season doon subalit depende kung saang estado ang nararanasang panahon doon.
Ang iba ay nakakaranas ng tag-init subalit ang iba naman ay nakakaranas ng pagbaho o bumabagyo.
Aniya na sa bahagi ng Northern Queensland ang siyang nakaranas ng matinding pagbaha kung saan 300 mm ng tubig ulan ang natanggap nila at inaasahang aabot naman ito ng 1m sa darating pang mga araw.
Nagdulot din ito ng pagkasawi ng 1 tao at nag-evacuate din ang libo-libong mga katao na naapektuhan.
Nangako naman ang kanilang gobyerno na tutulong sa mga naapektuhan ng matinding pagbaha.