Pinatutsadahan ni dating 2nd District Congressman at ngayo’y alkalde na si Mayor Leopoldo Bataoil ang dating administrasyon na namuno sa bayan ng Lingayen.
Sa ambush interview ng media kay Bataoil, inamin nito na marami ang dapat na baguhin at ayusin sa nabanggit na bayan. Kabilang na umano dito ang maruming palengke, mga nagkalat na basura na madalas ay nagdudulot ng pagbaha, pati na ang walang katapusang trapik.
Nakakalungkot aniya sapagkat kasabay ng kanyang panunungkulan ay ang kabi-kabilaan namang problema ang naiwan ng dating alkalde, na dapat ayon sa kanya, ay agad na maayos sa lalong madaling panahon.
Pahayag pa ng opisyal, matinding ‘improvement’ ang kinakailangang gawin lalo na’t imahe na umano ng Lingayen ang tinutukoy dito.
Nangako naman ang bagong halal na mayor na kanyang gagawin at tutuparin ang mga binitawan nitong pangako sa kanyang mga kababayan lalo na noong mga panahong siya’y nangangampanya pa lamang. with Report from Bombo Edmund Abubo