DAGUPAN CITY – Sa pagbubukas ng ika-12 Sangguniang Panlalawigan, binigyang-diin ni Vice Governor Mark Ronald Lambino ang kanyang paninindigan sa integridad, pagiging patas, at transparency bilang presiding officer ng lehislatibong sangay ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan.

Sa kanyang talumpati, mariing ipinangako nito na pangangalagaan ang propesyonalismo, pagiging objectivity at independence ng Sangguniang Panlalawigan.

Aniya, kailanman ay hindi ito magiging sunud-sunuran o mabibihag ng interes ng pulitika at magsisilbing tagapagbantay at katuwang ng pamahalaan, bilang institusyong may sariling paninindigan.

--Ads--

Binalikan din nito ang taong dumanas ng global pandemic dahil sa Covid 19 kung saan sa harap ng krisis, naisulong ang modernisasyon ng proseso sa lehislatura at ang pagtanggap sa digital transformation, na ngayon ay nagsilbing pundasyon ng mas epektibong pamahalaan.

Prayoridad pa ring isinusulong sa ekonomiya, kalusugan, agrikultura, edukasyon at sa mga vunerable sector ng PWDs, senior citizens, solo parents, mga bata, at mga may sakit.

Samantala, tiniyak nito na mas palalakasin pa ang kooperasyon ng sangay ng lehislatura at ehekutibo.

Aniya, sa kaniyang ikatlo at huling termino ay higit pa niyang paglilingkuran ang Pangasinan nang may dangal integridad, at malasakit.

Nagpasalamat din siya sa lahat ng Pangasinense at sa kanyang asawa na walang sawang nagbibigay suporta sa kanya sa lahat ng kanyang ginagawa.