DAGUPAN CITY- Mahalaga ang pag-unawa ng mga botante sa mga batas sa halalan at sa tungkulin ng mga halal na opisyal upang makatulong sa kanilang pagdedesisyon sa halalan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Atty. Ona Caritos, Executive Director of Legal Network for Truthful Elections (LENTE), kailangang bumoto ng tama at matalino upang makamit ng maayos at mapayapang pamamahala.
Aniya, tulad ng ibang rganisasyon, kaisa ang kanilang grupo para maipalaganap ang pagkakaintindihan lalo sa mga botante.
Maganda aniayng maintindihan ng mga botante ang mga batas ukol sa halalan at role ng mga nakaupo sa pwesto.
Dagdag niya, siniguro ng kanilang grupo sa kanilang mga orientations at ma volunteers na dapat ay walang makitang bahid ng politika o sinosoportahang tumatakbong kandidato upang maipakita ang pagiging patas.
Kailangan din aniyang panagutin ang mga kandidatong lumalabag sa batas o sa election codes dahil maaari nila itong madala sa kanilang pwesto.