Simula pa ay tutol na ang simbahang katolika na magpakasal ang dalawang taong pareho ang kasarian.

Ayon kay Fr. Oscar Roque, Director ng Beato Juan Martirez Pastoral station Bantayan Mangaldan Pangasinan, ang kasal ay para lang sa babae at lalaki.

Nanindigan si Roque bilang pari na hindi dapat magkaroon ng same sex marriage sa bansa hindi lamang dahil tayo ay Kristiyanong bansa kundi naaayon sa batas ng Diyos.

--Ads--

Kaugnay nito, hiniling ni Roque na sana matakot sa Diyos at huwag samantalahin ang kalayaaan na ibinigay ng Diyos sa tao.

Ginawa ni Fr. Roque ang pahayag kasunod ng pagbasura ng Korte Suprema sa petisyon para payagan ang same-sex marriage sa bansa.
Sa resolusyong may petsang December 10, pinagtibay ng en banc ang pagbasura sa motion for reconsideration na nais baliktarin ang naunang desisyon.