Nakatakdang magsagawa ang Kamara ng imbestigasyon sa mataas na presyo ng bigas, gayundin ang presyo ng karne ng baboy, manok at gulay.
Ayonb kay Albay 2nd District Rep. Joey Salceda, overall chairman ng House Murang Pagkain Supercommittee o Quinta Commitee, layunin nilang masunod ang dapat na presyo ng bigas lalo na ang imported rice na ang landed price ay nasa P34-36 kada kilo base sa pinakahuling pagtala mula sa Food and Agriculture Organization.
Aalamin ng Quinta Committee ang mga hakbang ng Department of Agriculture para mapanatiling mababa ang presyo ng karne ng manok at baboy na pawang apektado kapag tumataas ang presyo ng mais.
May duda ang opisyal na Salceda, nagpapataw ng sobrang presyo ang mga supermarket kaya umaabot sa P70 ang kada kilo ng bigas sa bansa.
Binigyang diin nito na kailangan namasigurong magiging abot-kaya ang presyo ng gulay upang hindi magdusa ang mga magsasaka at kaagad matugunan sakaling kulangin ang produksyon ng mga ito.
Kamakailan ay tumaas kasi ng presyo ang ilang mga bilihin lalo na sa mga agricultural products.