Patuloy na nararamdaman ngayon ang mataas na presyo ng bangus sa ilang pamilihan sa Infanta, Pangasinan.

Ito mismo ang kinompirma sa Bombo Radyo Dagupan ng isa sa mga mangingisda at dating punong barangay ng Brgy Cato na si Charlito Maniago.

Ayon kay Maniago, bagama’t balik normal na ang suplay ng bangus sa kanilang lugar, ay rambda, naman umano ang mataas na presyo at bentahan nito.

--Ads--

Aniya, nagsimulang magtaas ang presyo nito noong nakaraang linggo kung saan mula sa dating 110-120 pesos ang kada kilo ng bangus, ngayon ay umaabot na umano sa 160-180 ang kada kilo.

Samantala, inihayag naman ni Maniago na bagamat malaking tulong umano sa mga maliliit na mga bangus grower ang magandang bentahan ng bangus sa Infanta, mahalaga rin aniya huwag dayain ang presyo ng mga itinitindang produkto upang hindi makasira sa magandang imahe ng bayan.