DAGUPAN, CITY— Tiwala ang mataas na opisyal ng PhilHealth Regional Office I na ligtas at hindi maapektuhan ang impormasyon na galing sa kanilang data na hinihinalang nabasa dahil sa “water leak” sa kanilang gusali dahil sa naranasang malakas na pag-ulan dito sa siyudad ng Dagupan.
Ito ang naging tugon ni Alberto C. Manduriao, Regional Vice President ng naturang ahensiya na kahit mabasa ang kanilang data server ay hindi umano apektado ang mga nakapaloob na impormasyon sapagkat nasa head office ng kanilang ahensiya ang data base ng lahat ng mga benepisyaryong nag-avail ng benepisyo mula sa kanilang binabayarang kontribustyon.
Hindi rin umano totoo ang naturang alegasyon dahil sa tumulong tubig sa ground floor ng kanilang opisina dahil malayo umano iyon sa server at nakabalot naman umano sa sako o plastic ang server kung saan nakarehistro lahat ng impormasyon sa lahat ng kanilang transaksyon.
Giit pa ng naturang opisyal na pawang akusasyon lamang ang nabanggit na ulat.