DAGUPAN, CITY— Patuloy pa rin ang nararanasang mataas na heat index sa lungsod ng Dagupan ngayong buwan ng Mayo.

Ito ay matapos umabot nang 48°C o Danger Category ang naitalang Heat Index sa PAGASA Dagupan city kahapon.

Tinatayang nasa 34.5°C naman ang naitalang dry-bulb temperature at 68% Relative Humidity sa naturang lungsod.

--Ads--

Matatandaang ngayong linggo, ay nakapagtala ng matataas na heat index ang lungsod dahil pa rin sa epekto ng easterlies kung kaya’t patuloy pa ring nararanasan ng mga Dagupenyo ang maalinsangang panahon.

Nagbabala naman ang Pangasinan PDRRMO sa panganib na dulot ng 41-54°C na heat index dahil sa mataas na tsansa ng pagkajaroon ng heat cramps at heat exhaustion na posible ring mauwi sa heat stroke kung tuloy-tuloy ang mga ginagawang mga physical activity ng isang indibidwal.