Dagupan City – Nakatakdang magsagawa ng masusing imbestigasyon sa senado hiingil umano sa inilabas na pahayag ni Senate Spokesperson Atty. Arnel Jose Bañas na agad na ipinaalam kay Senate President Chiz Escudero ang insidente.

Ito’y matapos na naglabas na ng pahayag ang Senado hinggil sa nangyaring insidente kagabi, Hulyo 25, kung saan isa umano ang nasawi matapos mahulog sa ipinapatayong bagong gusali ng Senado sa Taguig City.

Sa inilabas na pahayag ng security team na nasa site at sa Southern Police District, pumasok ang biktima na hindi muna pinangalanan sa constructon area ng gusali bandang alas-9 kagabi.

--Ads--

Kung saan ay hinahabol pa umano ang biktima ng kanyang kasamahan at ng mga security guards ngunit hindi ito matunton kahit pa tinignan na ng security team ang lugar at ni-review na rin ang CCTV.

Bandang alas 10:00 ng gabi nang aksidenteng kumpirmado namang nahulog ang biktima sa North Tower ng New Senate Building pero hindi pa matukoy kung anong palapag ito nahulog.

Dahil sa insidente, agad namang ipinagutos ng Senado ang paghihigpit ng seguridad sa lahat ng entry at exit points at facade barriers ng ipinapatayong gusali, upang hindi na muling malusutan at mangyari ang kaparehong insidente. At ipinaabot na rin ng senado ang pakikiramay sa pamilya ng biktima.