Malaki umano ang naitulong ng mass testing at advance technology ng bansang South Korea dahil sa unti-unting pagbaba ng kaso ng coronavirus disease sa kanilang bansa.
Dahil sa ngayon ay nasa 50 na kaso na lamang ang naitatala sa nasabing bansa kumpara sa 500 na kaso araw araw noong mga nakalipas na linggo.
Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Anne Campos, OFW mula sa South Korea sinabi nito na sa agarang pagsasagawa ng mass testing at sa tulong na rin ng teknolohiya ay unti-unti nang nababawasan ang bilang ng mga namamatay dahil sa COVID-19 sapagkat nalalaman agad ng kanilang pamahalaan ang mga magpopositibo at maging ang mga lugar kung saan magtutungo ang mga mamamayan doon na posibleng positibo sa virus.
VC CAMPOS MASS TESTING
Dagdag pa niya na dahil natutukoy ng kanilang gobyerno lahat ng impormasyon ng bawat mamamayan doon, ay naabisuhan ang mga residente sa pamamagitan ng kani-kanilang celphones patungkol sa mga lugar na dapat hindi na puntahan upang makaiwas sa posibleng pagkahawa sa naturang sakit.
Tiniyak rin ng pamahalaan ng South Korea na tuluyan na nilang mapigilan ang pagkalat pa ng naturang sakit sa kanilang bansa.