Pansamantalang inihinto ng City Health Office ang mass testing dito sa lungsod ng Dagupan.

Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit isang libong frontliners at residente ang sumailam sa swab at rapid test at karamihan sa mga sinuri ay asymptomatic pero nagpositibo sa covid -19

Ayon sa City Health office, pansamantala nilang inihinto ang mass testing dahil sa kawalan ng test kits. Ipagpapatuloy ang mass testing depende umano sa supply ng kits.

--Ads--

Para sa iba, mahalaga ang pagsasagawa ng mass testing upang mapadali ang pagpigil sa pagdami ng covid 19.

Tiniyak naman ng CHO na nakahanda sila kung sakaling may kailangan na i test lalo na ang mga nakakasalamuha ng mga nagpositibo sa nasabing sakit.