DAGUPAN CITY–Pinaghahandaan na ang pagsasagawa ng mass testing dito sa lalawigan ng Pangasinan.

Sa ekslusibong panayam ng bomto radyo Dagupan kay Provincial Health officer Dr. Ana Marie de Guzman,nagpapatawag ang DOH ng mga medtech sa bawat munisipyo at mga district at provincial ospital para sa kanilang orientation kung paano ang gagawing mass testing.

Target ng mass testing ang mga mayroong mild pUI, mga matatanda, PUM at mga health workers.

--Ads--

Magkakaroon ng dalawang klase ng tests, ito ay ang Nasopharyngeal swab (NPS) at Oropharyngeal swab (OPS).

Giit ni de Guzman na nangangailangan pa ng confirmatory test kung isasagawa ang rapid test kits dahil hindi pa ito tinatanggap ng DOH kayat kailangan ang confirmatory test.

Kahit gumamit ng rapid antibody test kit ang isang suspected case ay dapat pa ring sumailalim ito sa test gamit ang RT-PCR kits.

Pangasinan Provincial Health officer Dr. Ana Marie de Guzman

Una nang iginiit ng Department of Health (DOH) na hindi maituturing na final at valid ang resultang lalabas gamit ang mga rapid antibody test kits para sa COVID-19.