Panawagan ng Alliance of Health Workers sa Department of Health (DOH) na magkaroon ng mass hiring upang matugunan na matinding kakulangan ng healthcare workers.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Robert Mendoza, Presidente ng naturang samahan, ito ay dahil napakarami na umanong health workers ang nag-resign, nag-early retire o ‘di kaya ay nakasailalim sa quarantine.
Aniya, bago pa man ang pandemya ay isa na sa malaking suliranin ng mga ospital ang pagiging under staff ng mga ito.
Sa ngayon umano ay nasa 100 mga pasyente ang tinutugunan ng isang nurse.
Na siyang mas malala aniya ang sitwasyon sa National Center for Mental Health (NCMH) na tinatayang 200 pasyente ang inaalagaan ng isang nurse.
Isa pang suliranin na kinakaharap ng medical frontliners sa kasalukuyan ay ang pagiging demoralized hinggil sa kakulangan o baba ng mga natatanggap na benipisyo na sana’y mabigyang tugon umano ng DOH.
Bukod sa mga nagtratrabaho sa mga ospital, isa rin aniyang kawawa ngayong may COVID-19 pandemic ay ang mga healthcare workers mula sa iba’tibang Local Government Units (LGUs).
Ani Mendoza, kung pagbabatayan umano ang mga umiiral ng batas gaya ng Magna Carta for Public Health ay wala silang natatanggap na mga benepisyo, lalo na aniya kung hindi sila prayoridad ng kani-kanilang lokal na ehekutibo.