DAGUPAN CITY- Hindi problema, kundi isang solusyon sa mas malaking problema ng ekonomiya ng Estados Unidos.

Ito ang naging pahayag ni Bradford Adkins, Bombo International News Correspondent sa nasabing bansa, hinggil sa ipinapatupad ni US President Donald Trump na mass deportation ng mga ‘undocumented foreigners’.

Sa panayam sa kaniya ng Bombo Radyo Dagupan, matagal na itong pinoproseso at hindi naging madaliang desisyon dahil nagsimula pa ito sa mga lumang administrasyon.

--Ads--

Aniya, nakikita ni Trump na mas mabuting paalisin na ang mga ito dahil nagdudulot lamang ng pagbaba sa kanilang ekonomiya.

Gayunpaman, ani Adkins na hindi mga Pilipino ang may mataas na porsyento na nanganganib na mapabalik sa bansa at pinapangunahan ito ng Mexico.

Magiging prayoridad din kaseng ipapa-deport ay ang mga may kaso ng ilegalidad at nasa hindi bababa sa 24 na Pilipino lamang ang kabilang sa mga ito.

Dagdag pa niya, may mga napapaulat naman na boluntaryo nang umaalis ang ibang ‘undocumented foreigners’.

At sa pamamaraang ito, makakaiwas sila na mapabilang sa ‘black list’ at maaari pang makabalik sa Estados Unidos.

Samantala, ayon kay Adkins na kadalasan ginagamit ng mga politiko sa Estados Unidos na plataporma ang paghihikayat ng mga foreigners upang mapataas ang kanilang boto.

Bagaman, kumpleto ang mga dokumento ng mga ito nang dumating subalit inaabot lamang ng expiration ang kanilang arrival card o ang nagtatakda kung gaano lamang ang kanilang itatagal sa nasabing bansa.

Ayon kay Adkins, hindi na rin kase umuuwi ang mga Pilipino sa bansa kahit illegal na ang kanilang pananatili dahil sa kanilang mga naipundar na.