DAGUPAN CITY- Patuloy pa rin ang mass deportation ng mga alien foreigners sa Estados Unidos bilang pagtugon sa kautusan ni US President Donald Trump nang maupo ito.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Marissa Pascual, Bombo International News Correspondet sa USA, priyoridad ng mga otoridad ang mga migrante na may mataas na crime record.
Aniya, direkta nang ipapa-deport ang mga mahuhuli at hindi na idadaan pa sa paghahatol ng korte.
Subalit, nakakapagtala umano sila ng mga hindi magandang pagtrato sa mga migranteng ipinapa-deport. Gayunpaman, tila hindi balak ni Trump na bigyan ang mga ito ng special treatment dahil aniya, maituturing ang mga ito na malalang kriminal.
Maliban pa riyan, target din ng administrasyon ang mga federal employees na na-duplicate ang kanilang posisyon.
Binabalak nilang i-relocate ang mga ito sa mas murang pwesto upang mas matiyak ang episyenteng pagtatrabaho.
Dahil dito ay may 6,000 mula sa serbisyo ng Internal Revenue ang inaasahang papatalsikin sa biyernes.
Tiyak naman si Pascual na may mga Pilipino rin ang maaapektuhan nito subalit hindi pa sigurado ang kabuoang bilang.
Apektado na rin ang employment sa US at lalong naging mahirap ang pagpasok sa isang trabaho.