Dalawang Pinoy OFW ang namatay dahil sa Covid 19 sa bansang India.

Ito ang ibinahagi sa bombo radyo Dagupan ni Bombo International correspondent Shalini Adams mula sa Delhi, India.

Ayon kay Adams, ang isa sa mga nasawi ay kaibigan pa niya mismo kaya labis siyang nalulungkot para dito.

--Ads--

Sa paglalarawan niya sa situwasyon ng pandemya sa India, malala at nakakatakot aniya ang situwasyon doon ngayon dahil marami ang namamatay bunsod na rin ng kakulangan ng oxygen.

Nagkakaroon na ngayon ng mass cremation sa gilid ng mga kalsada dahil hindi na kaya ng mga crematorium ang dami ng mga namamatay.

Lock down ngayon sa kanilang lugar at hindi sila lumalabas ng bahay.

Samantala, naniniwala si Adams na ang mabilis na pagtaas ng bilang ng nagkakasakit at namamatay dahil sa naging relaks na ang mga tao dahil sa pagdating ng mga bakuna doon.

Ngunit bagamat may bakuna ay limitado ang bilang at hindi sapat sa dami ng papulasyon sa nasabing bansa.

Dagdag pa niya na ang nakakatakot pa ay hindi na aniya madetect sa ginagawang test doon kung may covid o wala ang isang tao.

Bombo International correspondent Shalini Adams