DAGUPAN CITY– Binigyang diin ni Bombo International Correspondent, Prof. Gabriel Ortigoza, mula California, USA na ang nangyayaring mass burial sa estados ng New York sa nabanggit na bansa ay ang mga nasawi lamang umano na mga walang kaanak na mag-nanais kunin ang labi ng namatay na COVID-19 patient.

Ayon kay Ortigoza, dahil kinukulang ang nabanggit na estado ng mortwaryo kaya sa isang isla roon ginawa ang mass burial.

Matatandaang sa mga naunang panayam kay Ortigoza, nasambit nito na parte ng Amerika ang may pinaka malaking bilang ng mga taong nagpositibo sa nakamamatay na virus.

--Ads--

Sa panayam ding ito, sinabi niyang noong nakaraang Biyernes lamang nang ipatupad naman sa California ang monitoring o pag-check ng temperatura ng mga health workers bago sila pumasok sa kanilang mga pinagtra-trabahuan, kumpara umano sa Pilipinas na matagal na itong isinasagawa bilang bahagi sa mga inililatag na precautionary measures ng pamahalaan laban sa COVID-19.