DAGUPAN CITY- ‎Inaasahang magiging maganda ang ani ng mais sa Barangay Casibong sa bayan ng San Jacinto, batay sa kasalukuyang kalagayan ng pagtatanim at paghahanda ng mga magsasaka sa lugar.

‎Ayon kay Brgy. Kagawad Sosimo Gonzales, President, Casibong Farmer’s nakatuon ngayon ang kanilang programa sa seed production upang masiguro ang kalidad at dami ng maaaning mais.

Isa ito sa mga hakbang na layong mapalakas ang produksyon at makatulong sa patuloy na kabuhayan ng mga lokal na magsasaka.

Hindi naman umano nagiging problema sa mga corn growers ang pagbebenta ng ani dahil mayroon nang mga negosyanteng handang magbigay ng kapital at bumili ng mais matapos ang anihan.

Dahil dito, nababawasan ang pangamba ng mga magsasaka sa posibleng pagkalugi.

Dagdag pa rito, hindi na rin gaanong problema ang puhunan sa pagtatanim dahil ang mga nagkakapital na ang sumasagot sa gastusin tulad ng binhi, abono, at iba pang pangangailangan sa produksyon.

Patuloy namang binabantayan ng barangay ang sitwasyon upang matiyak na magiging maayos ang ani at mapapakinabangan ito ng buong komunidad.

--Ads--