BOMBO DAGUPAN- Kinumpirma ng Thailand ang kanilang kauna-unahang kaso ng bago at mas nakamamatay na strain ng MPox.
Ito umano ang kauna-unahin din kaso sa Asia habang pangalawa naman sa labas ng Africa.

Ayon sa Department of Disease Control ng Thailand, Isang 66-anyos na European ang infected. Ito ay nakarating sa Bangkok noong Agosto 14 mula sa hindi pa kinikilalang bansa sa Africa.

Nagsimulang magpakita ang mga sintomas, isang araw makalipas ang pagdating niya. Agadd naman siyang tinakbo sa ospital.

--Ads--

Nakumpirma din na may contact ito sa may Clade 1b strain ng Mpox.

Ang nasabing bagong variant ay may mataas na fatality rate sa ilang bahagi ng Africa. Ito umano ang dahilan kung bakit nagdeklara ng international concern mula sa public health emergency ang World Health Organization (WHO).