Asahan ang isang mas maunlad na ekonomiya sa oras na tuluyan nang maging fully operational ang Starlink Internet Services Philippines o SpaceX.
Ayon kay Wilson Chua ang siyang presidente ng Bitstop sa bansang Singapore na magkakaroon ng ‘migration’ ang mga Pilipinong manggagawa sa mga rural areas sa pagdating ng bagong internet service provider na Starlink.
Aniya ang SpaceX/Starlink ay isang international telecommunication company na pagmamay-ari ng bilyonaryong si Elon Musk na may direkta nang access sa satellite systems.
Dahil na rin umano popular ang work from home setup sa bansa ay matutulungan nito ang milyong milyong mga Pilipino para hindi na manatili pa sa mga siyudad na may malakas na internet connection.
Bagama’t may mga ulat aniya ng high-speed low latency satellite internet nito na may bilis ng pag-download sa pagitan ng 100 hanggang 200 Megabits per second (Mbps) ay nasa 60mbps ang magiging daily average rate nito na maituturing pa ring mabilis kumpara sa kasalukuyang mga internet service providers sa Pilipinas.