Inilunsad ng National Nutrition Council Region 1 ang 51st Nutrition Month Celebration sa San Carlos City, Pangasinan na may temang “Food and Nutrition Security, Maging Priority! Sapat na Pagkain, Karapatan Natin!”
Layunin ng selebrasyon na bigyang-diin ang kahalagahan ng sapat, ligtas, at masustansyang pagkain bilang pangunahing karapatan ng bawat mamamayan.
Pinangunahan ng Pamahalaang Lungsod ng San Carlos, sa pamumuno nina Mayor Julier Resuello at Vice Mayor Joseres Resuello, sa pamamagitan ng City Nutrition Action Officer na si Dra. Luisa F. Cayabyab, ang dalawang araw na programa bilang host ng selebrasyon ngayong taon.
Sinimulan ang programa sa pamamagitan ng makulay na Nutri-Float Parade at motorcade na nilahukan ng mga barangay sa lungsod.
Dumalo rin ang mga kinatawan mula sa National Nutrition Council Regional Office I, San Carlos City Nutrition Committee, Regional Nutrition Committee, mga pederasyon ng local nutrition focal persons, Nutrition Action Officers mula sa buong Pangasinan, mga Child Development Workers (CDWs), at barangay-based health workers tulad ng BNSs, BHWs, at BSPOs.
Ipinangako na itutulak ng lungsod ang local development na nakaangkla sa mas maayos na nutrisyon ng mamamayan.
Tinalakay din ang kasalukuyang kalagayan ng food and nutrition security at mga hakbang para sa mas malawak na pagtutulungan.