Pinangangambahan ngayon na mauwi sa mas malawak na digmaan ang pagkasawi ng mga sundalo ng Estados Unidos sa mga pag-atake ng Iran sa Jordan at Iraq.

Noong weekend, kinumpirma ng US military na isa sa kanilang sundalo ang nasawi sa pag-atake ng Iran sa northern Iraq, isang araw lamang matapos ang pag-atake sa US military base sa Jordan, na kumitil sa dalawang sundalong Amerikano at nag-iwan pa ng isang service member na nawawala.

Ayon sa Central Command (Centcom), isang indibidwal ang napaslang sa isang “controlled detonation of unexploded ordnance” mula sa pinabagsak na Iranian attack drone, na ikinasugat ng ikalawang service member.

--Ads--

Sa inilabas na update ng US military, kinumpirma nitong natagpuan nila ang isang hindi pa natutukoy na labi matapos ang isinagawang search operations sa lugar ng pag-atake sa Jordan. Sa ngayon, nagpapatuloy ang examination process para maberipika ang pagkakakilanlan ng labi.

Nangyari ito sa ikawalong araw ng tumitindi pang pag-atake sa pagitan ng U.S. at Iran.

Sa kabuuan, umabot na sa 17 ang kabuuang bilang ng nasawi sa panig ng Amerika habang nasa 50 indibidwal naman ang napatay habang mahigit 500 ang sugatan sa Iran sa halos limang buwan nang labanan.