Dagupan City – Naranasan kagabi ang malakas na hangin na naging dahilan ng pagbagsak ng mga puno sa kasagsagan ng bagyo na agad naman ginawan ng clearing operations pagkareport sa opisina ng MDRRMO sa bayan ng Sta barbara.

Ayon kay Raymondo T. Santos – Head, MDRRMO Sta. Barbara, nagpakalat sila ng mga personnel upang bantayan ang mga kakalsadahan upang agapan ang pagbibigay babala sa mga nagbagsakang puno.

Kaugnay nito isa rin sa tintutukan ay ang pagtaas ng tubig sa ilang mga brgy. sa bayan. partikular na ang sinucalan river na umabot na sa critical level nitong 6.4.

--Ads--

Sa kabila nito, wala pa namang naitatalang mga evacuees at mga naitatalang kaswalidad sa bayan.