DAGUPAN CITY–Nananatiling nakamonitor ang Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) Calasiao sa Marusay River kung saan umabot na sa critical level ang tubig nito dahil sa walang patid na pag-ulan.

Nasa 4ft na ang naitalang tubig sa nasabing ilog, na mas mataas kumpara sa normal na sukat nito.

Bagama’t wala pang naitatalang pagbaha ang MDRRMO sa mga Barangay sa mas mataas sa dalawang talampakan, patuloy umano ang ginagawa nilang constant monitoring upang agad na makapagpatupad ng evacuation sa mga residente sakali mang umapaw ang tubig.

--Ads--

Sa ngayon patuloy ang ginagawang flood control projects ng pamahalaan ng Calasiao upang malinisan ang mga basurang bumabara sa mga drainage canal na kalaunan ay pinagmumulan ng pagbaha.