Binabantayan ngayon ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Calasiao ang kondisyon ng Marusay River sa gitna ng patuloy na pag-ulan Lalo na tuiwng hapon.

Bagama’t patuloy ang nararanasang mga pag-ulan, nananatili sa normal na lebel ang tubig sa ilog.

Bahagi ng kanilang paghahanda ang naka-iskedyul na paglilinis ng ilog at pagtatanggal ng mga sagabal gaya ng halamang-tubig upang mapanatili ang maayos na daloy at maiwasan ang pagbabara sa mga drainaige at daluyan.

--Ads--

Sa kabila ng maulang panahon, nananatiling ligtas ang bayan ng Calasiao at wala pang naitatalang insidente ng pagbaha.

Tiniyak ng mga lokal na opisyal na patuloy ang kanilang pagbabantay sa mga flood-prone areas upang makapagbigay agad ng aksyon kung kinakailangan.