BOMBO DAGUPAN – Kasalukuyang nasa 5ft above normal level ang Marusay river sa bayan ng Calasiao.

Base sa monitoring ito pa rin ay mula sa epekto ng hanging habagat na mula pa noong isang linggo. Habang noong nakaraang araw naman, ay bumaba na rin ito mula 7.5 ft ay nasa 5 ft na lamang ngayon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Kristine Joy Soriano, ang Local Disaster Risk Reduction Management Officer III ng Calasiao Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, wala naman umanong naitalang report ng pagbaha.

--Ads--

May mga ilang lugar naman na may namumuong pagbaha ngunit hindi pa nito naaabot ang parameter na 1.5m na kanilang sinusundan.

Samantala, bukas naman ang kanilang tanggapan ng 24 oras.

Nakahanda na rin umano ang mga kagamitang maaaring gamitin sa pag rescue o pagtulong at nakaantabay na rin ang mga ahensya kagaya na lamang ng Bureau of Fire Protection, PNP at maging ang mga Brgy. officials.

Dagdag pa niya na naka standby din sila sa mga emergency calls.

At nagpaalala nalang ito na nananatili silang nakaantabay sa lagay ng panahon at maging alerto.