BOMBO DAGUPAN – Hindi alam ng 90-year-old Chinese woman na araw-araw ay nasa panganib pala ang kanyang buhay dahil sa ginagamit niyang hammer o martilyo.

Kuwento ng lola na nakilala sa pangalang Granda Qin, residente ng Xiangyang sa probinsiya ng Hubei sa China, minsang nagtatrabaho siya sa kanyang farm ay nakita niya ang kakaibang metal na may hawakang kahoy.

Inisip niyang isang improvised hammer iyon, kaya dinampot niya at iniuwi sa kanyang bahay.

--Ads--

Ang hitsura ng napulot ni Grandma Qin na inakala niyang improvised hammer.

Mula noon, ginamit na ni Grandma Qin ang napulot na metal bilang pampukpok ng anumang matigas na bagay—mula sa pagbibiyak ng mga nuts at pandikdik ng red pepper hanggang sa pagbabaon ng mga pako.

Noong kalagitnaan ng June 2024, isang team ng mga kalalakihan na nag-aayos ng bahay ni Granda Qin ang nakapansin sa nakakalat na “hammer.”

Isa sa mga manggagawa ang naka-recognize na isang granada ang ginagamit ng lola na martilyo.

Napuna ng mga gumagawa sa bahay ni Lola Qin ang martilyong ginagamit niya, at isa ang naghinala na granada iyon.

Ipinagbigay-alam nila iyon sa pulisya at nang siyasatin ng mga pulis, napatunayang isa ngang granada ang pampukpok ni Granda Qin.

Naobserbahan din ng mga pulis na dahil matagal nang ginagamit ang grenada bilang martilyo, makintab at very smooth na ang kahoy na hawakan nito.

Ang metallic part naman na mismong granada ay puno na ng dents dahil sa araw-araw na paggamit ni Grandma Qin.

Ayon sa mga pulis, tila araw-araw na nakikipagsugal si Grandma Qin sa tuwing ginagamit nito ang granada bilang martilyo.

Maingat na kinuha ng special unit ng pulisya ang granada.

Idinetalye naman ng special unit mula sa Huangbao Police Station na ang pampukpok ni Grandma Qin ay isang hand grenade na ang modelo ay Chinese Type 67.

Napag-alaman ding 20 years na pala itong ginagamit ng lola.

Sa ginawang pagsusuri sa granada ay natuklasan ding naka-expose na ang pin nito.

Kung nagkataon umano na nakatuwaan ni Grandma Qin na hilahin ang pin, napakalaki ng posibilidad na sumabog iyon.