Handa na ang Maritime Police sa inaasahang pagdagsa ng mga beach goers sa mga karagatang sakop ng lalawigan ng Pangasinan.

Ayon kay P/Captain Denny Torres, Chief ng 102nd Maritime Police Station, nagkaroon sila ng dalawang araw na Waterborne Search and Rescue Training bilang paghahanda sa summer vacation.

Aniya, patuloy ang kanilang pagbibigay ng police visibility sa shorelines para masiguro na ligtas ang mga bisitang magtutungo sa probinsiya para magbakasyon.

--Ads--

Ayon kay Torres, lingguhan silang nagsusumite ng report sa bilang ng mga turista na pumupunta sa mga beach dito sa Pangasinan.

Hindi naman aniya sila nagkukulang sa pagpapaalala sa mga beach goers at pag-uusapan pa rin nila ang paglalagay ng curfew hours para maiwasan ang anumang insidente ng pagkalunod.