DAGUPAN CITY- Tiniyak ng Maritime law enforcement o MLET Dagupan ang kanilang kahandaan para sa nalalapit na pagdeklara sa tag-ulan.

Ayon kay Jimmy Q Pantua ang siyang Team Leader, Dagupan MLET na nagsagawa na sila ng pagpupulong para sa mga paghahanda na dapat gawin ng kanilang opisina lalong Lalo na sa posibleng maranasan na mga bagyo sa panahon ng tag-ulan alang ala sa mga residente ng syudad dito sa Dagupan at gayundin sa mga baybayin at tabing ilog na kanilang pangunahing tinututukan.

Dagdag pa aniya na tuloy tuloy naman ang kanilang mga pagsasanay pagdating sa pag rescue kung kinakailangan at sa ibang mga gagawin.

--Ads--

Kanila ring tiniyak ang kahandaan ng mga kagamitan at pakikipag-ugnayan sa Lokal na Pamahalaan ng syudad at pati na rin sa mga kumunidad upang maging handa sa mga ganito panahon.

Mayroon din silang binuo na emergency response team at salbabida project para sa mas mabilis na aksyon at pagtulong sa mga residente ng syudad sa mga hindi inaasahang mangyayari.

Bukod dito ay kanila ring mahigpit na papaalalahan ang mga mangingisda upang maiwasan ang pagpalaot kapag masama ang panahon.