Nararapat lamang umanong paharapin sa korte si Sen. Rodante Marcoleta at iba pang matataas na opisyal na may pananagutan sa batas, ayon sa Clergy for Good Governance (CGG).

Nanindigan ang grupo na dapat harapin ng senador sa korte ang mga akusasyon laban sa kanya, at huwag sa ibang forum, ngayon at pormal na siyang sinampahan ng kasong plunder sa Sandiganbayan.

Kung accountability o pagpapanagot ang hinilihing ng Iglesia Ni Cristo sa kanilang isinagawang rally para suportahan si Marcoleta, marapat lamang din aniya na sa korte na humarap ang senador at dito ilatag ang kaniyang ebidensiya.

--Ads--

Dapat din aniyang hayaan nila ang kanilang miyembro na iharap ang kanyang sarili sa korte.

Ayon pa sa Catholic priest, kung totoong inosente si Marcoleta, hindi dapat siya matakot na humarap sa korte o harapin ang mga abogado ng Ombudsman.

Iginiit din ni Fr. Reyes na maliban kay Marcoleta ay dapat ding ihain na ang kaso laban sa iba pang mambabatas at matataas na opisyal na natukoy na sangkot sa flood control scandal.

Tinukoy ng pari sina Sen. Joel Villanueva, Sen. Chiz Escudero, o maging si Pang. Ferdinand Marcos Jr., kung mayroon man siyang pananagutan sa nabunyag na iskandalo.

Giit ni Fr. Reyes, hindi dapat rason ang kasalukuyang posisyon ng sinuman para hindi mapanagot sa anumang pagkakasala.