DAGUPAN CITY–Marami na umanong mga Pilipino sa Italya ang nagnanais na makauwi sa bansa dahil sa nararanasang hirap ngayon doon bunsod ng malalang kaso ng Covid 19.

Sa report ni Bombo International Correspondent Mickaella Jorgia Bergantino mula Milan Italy na bagamat nais na ng ilang mga Pinoy doon ang umuwi ay wala pang direktiba ang embahada ng Pilipinas sa Italya lalot hirap pa rin silang makakilos dahil sa umiiral na total lockdown.

Marami na rin umano ang kababayang Pinoy ang naghihirap ngayon dahil ubos na ang kanilang pera lalot marami sa kanila ang hindi na nakakapasok ng trabaho.

--Ads--

Dahil dito ay hiling nilang mabigyan sila ng agarang tulong lalot marami sakanila ang ubos na ang ipon .

Pinabulaanan naman nito na mahigit 300 mga Pilipino sa Italya na ang nakauwi ng Pilipinas.

Ang mga Pilipino aniyang ito ay sakay ng cruiseship na dumaong lamang sa Italya at hindi doon nagtratrabaho.

Hinihiling naman ni Bergantino sa mga kababayan dito sa Pilipinas na magdasal at sumunod sa mga umiiral na alituntunin kaugnay sa enhance community quarantine bunsod din ng kaso ng Covid-19 dito sa bansa at sinabing huwag pairalin ang katigasan ng ulo.