Nalubog sa tubig baha ang maraming lugar sa Queensland at hilagang bahagi ng New South Wales sa bansang Australia.

Ayon kay Denmark Suede, Bombo International News Correspondent mula sa Sydney, Australia maulan ngayon sa Australia na nagdulot ng matinding pagbaha sa maraming lugar sa timog-silangang bahagi ng Queensland at hilagang bahagi ng New South Wales.

Sa Queensland, 8 ang patay habang 15,000 bahay ang apektado.

--Ads--

Libu-libong mamamayan ang nasa evacuation center ngayon.Tumulong na ang Australian Defence Force sa pag-rescue sa mga biktima ng baha.

Samantala, pansamantalang sinuspindi ng mga bangko ang pagbabayad sa mga mortgage, at nagkaloob din ang gobyerno ng tulong pinansyal sa mga mamamayan na naapektuhan ng lampas tao na baha.

Samantala, malakas pa rin ang mararansang ulan sa maraming lugar sa nasabing bansa.

Pinakamalalang pagbaha sa Brisbane ay naitala noong 2011 kung saan nalubog sa tubig- baha ang 2.6 milyong katao, ito na ang tinaguriang pinakamalaking pagbaha sa kasaysayan.