Marami pang dapat mapatunayan ang administrasyong Marcos.

Ito ang tugon ng isang political analyst kasunod sa paggunita ng kaniyang unang isangdaang araw na pamumuno sa bansa.

Ayon kay Michael Henry Yusingco na bagaman kahanga hanga ang nabuong economic team ng pangulo ay marami pa ring mga bakanteng posisyon sa pamahalaan na maituturing na kritikal na mga aehnsya para sa pag-unlad.

--Ads--

Kabilang na aniya dito ang Department of Health at ang Department of Agriculture na pawang mga critical na sangay na dapat ay maipahayag na ni Pangulong Marcos kung sino ang dapat mamumuno.

Dagdag nito na hindi rin maikakaila na napakaraming intriga ang naipaulat sa Malakanyang nariyan na aniya ang naging sunod sunod na pagbibitiw ng ilan opisyal kabilang na si Atty. Trixie Cruz Angeles bilang press secretary at maging si Atty, Vic Rodriguez na dating Excutive Secretary ng pangulong marcos na nadawit din sa sugar fiasco.

Bagaman hindi na aniya bago sa mundo ng politika ang pagpapalit o pagbibitiw ng mga opisyales ay nagulat aniya ito na sa unang isandaang araw pa lamang ng pangulo ay naidatos na ang mga ito.

TINIG NI MICHAEL YUSINGCO

Pagsasaad pa ni Yusingco na hindi pa masyadong klaro ang kinabukasan ng Pilipinas sa kaniyang pamumuno dahil sa hindi pa nito naisasaayos ang administrasyon na kung ihahambing sa nakaraang pamumuno ni dating pangulong Rodrigo Duterte ay sa unang mga araw nito ay naipakita na sa mga Pilipino na mas magiging strikto ang magiging anim na taong panunungkulan nito.

Kaya naman dapat ding maging masubaybayan ng maigi ng publiko ang magiging mga sunod pa nito ng mga hakbang.