Naniniwala si Prof. Mark Anthony Baliton, political analyst dito sa lalawigan ng Pangasinan na marami pa ring katanungan magpahanggang ngayon kung ano ang tunay na naganap sa Edsa Revolution.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Baliton, sinabi nito na hindi malinaw sa mga mag aaral o mga kabataan ngayon ang tunay na kaganapan at rason sa Edsa Revolution.

Sa ngayon ang tinuturo sa mga kabataan ay ang pagiging sobrang tagal sa posisyon ni dating pangulo at diktadoryang Ferdinand Marcos kaya ninais ng mga Pilipino ang pagbabago.

--Ads--

Nagtulak din umano sa mga tao na patalsikin si Marcos dahil sa aligasyon na nagkaroon ng dayaan sa nangyaring eleksyon sa pagitan nila ni dating pangulong Corazon Aquino.

Pero para kay Baliton, mas maganda kung mayroon pa sanang taong buhay pa at nakasama noon sa Edsa Revolution ay gumawa ng libro na nagsasaad ng totoong nangyari noong 1986 Edsa Revolution para malinawan ang lahat.

Prof. Mark Anthony Baliton, political analyst sa Pangasinan

Mahalaga aniya itong mapag aralan at matalakay sa mga eskuwelahan.

Partikular na tinukoy ni Baliton sina dating senador Juan Ponce Enrile at dating pangulong Fidel Ramos na nakasama sa Edsa noon at sila ang dapat nagsasalita sa mga tao ukol sa tunay na naganap.

Prof. Mark Anthony Baliton, political analyst sa Pangasinan