Dagupan City – Pormal nang binuksan at binasbasan ang Maples River sa Aguilar, Pangasinan sa isang seremonya na pinangunahan ni Mayor Kristal S. Ballesteros-Soriano kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan at mga department head ng lokal na pamahalaan.

Nakiisa rin sa nasabing programa ang asosasyon ng Maples River bilang suporta sa muling pagbubukas ng naturang lugar na kilala bilang isa sa mga dinarayong paliguan sa bayan.

Sa isinagawang paglilibot, kapansin-pansin ang mas maayos at mas malinis na kapaligiran ng ilog na handa nang muling tangkilikin ng mga residente at mga bisita na nais magpalamig at magpahinga sa naturang lugar.

--Ads--

Inaasahan ng lokal na pamahalaan na mas mapapalakas pa ang turismo sa lugar at mapapanatili ang kalinisan at kaayusan ng Maples River sa tulong ng pagtutulungan ng pamahalaan at ng komunidad.