Upang mapanatili ang sustainable environmental protection sa lungsod ng Alaminos ang pamahalaan local ay nagasaagwa ng potting at clean up drive activity kung saan nasa 50 benepesyaryo ng Government Internship Program (GIP) ng Department of Labor and Employment sa ating Bued Mangrove Eco-Park sa lugar.

Pinangunahan nina Chief Labor and Employment Officer Darwin G. Hombrebueno, City PESO officers, City Environment and Natural Resources Office (City ENRO) at iba pang mga volunteer na nakilahok sa naturang aktibidad.

Bukod dito ay nagbahagi rin ang mga awtoridad ng mensahe sa mga benepesyaryo ng Government Internship Program (GIP) ukol sa kahalagahan sa pangangalaga sa kalikisan.

--Ads--

Ang aktibidad na ito ay bahagi ng Green Environment Project ng City Public Employment Service Office (PESO) katuwang ang DOLE Western Pangasinan Field Office at City Environment and Natural Resources Office (City ENRO) sa syudad.