Ibinahagi ng isang mangingisda sa Tondaligan Beach ang kanyang mga karanasan tungkol sa mga sea snake, o “kumising” sa lokal na tawag.

Ayon kay Cesar Paras, isang mangingisda na hindi nila sinasadyang nahuhuli ang mga Sea Snake dahil gumagamit sila ng maliit na butas na fish gear o lambat dahil kumakain din ang mga ito ng mga isda kaya nakakapasok sila sa lambat kaya nadadala sa dalampasigan.

Aniya na kung minsan marami umano silang nakukuha na umaabot sa 20 piraso ng hindi inaasahan lalo na kapag high tide pero may mga panahon din na wala.

--Ads--

Kaya kung sakali aniya na may mahuli man silang sea snake lalo kapag buhay pa ay sinisikap nilang ibalik ito sa dagat o kaya’y binabaon nalang sa lupa kapag patay na para hindi na pagkaperwisyo.

Babala ni Paras, makamandag ang nasabing ahas higit pa sa cobra, kaya maraming namamatay dahil dito.

Ikinuwento rin ni Paras na minsan na umano siyang nakagat nito pero laking pasalamat nito na hindi naman siya nasawi.

Sa kanyang 20 taon bilang mangingisda, may mga nababalitaan na rin siyang namatay dahil sa kagat ng ahas na ito.

Kaya naman, nagbigay ng payo si Paras sa mga turista sa Tondaligan dahil sa mga nakikitang ahas dito na iniiwan ng ilang mangingisda na mag-ingat dahil grabe ang kamandag nito at maaaring magdulot ng pagkamatay.

Pagbabahagi nito na lumalabas ang mga sea snake kapag malamig ang panahon at malalaki ang alon kaya palagi silang nakakalambat nito kapag sila ay nagpapalaot sa ganitong panahon.